People gathered for press event to support immigrant communities

Isang County, Isang Kinabukasan, Sama-sama tayong Manindigan.

ENGLISH ESPAÑOL中文 Tiếng Việt TAGALOGਪੰਜਾਬੀ

Ang County ng Santa Clara ay narito upang maglingkod sa lahat ng ating mga komunidad, kabilang ang mga maaaring maapektuhan ng bagong administrasyon ng White House. Hindi natin alam kung ano talaga ang maaaring mangyari at, dahil dito, kailangan nating manatiling bumagay at mabilis umangkop sa anumang mangyari sa pederal na antas.

Ang organisasyon ng County ay patuloy na maghahanap ng pinakamabisang pamamaraan para gampanan ang aming misyon na maging seguridad laban sa kapahamakan o kahirapan (safety net) para sa mga taong may pinakamalaking pangangailangan, anuman ang kanilang katayuan pang-imigrasyon o sa buhay, relihiyon, bansang pinagmulan, nasyonalidad, pagkakakilanlan ng kasarian, wikang sinasalita, kapansanan (kasama ang sari-saring mga kapansanan), o kaanib sa pulitika.

Muling pinagtibay ng mga lider ng komunidad ang kanilang matinding pangako sa pagpapanatili ng mga kaparehong pagpapahalaga at paglilingkod sa lahat ng residente.

Ang mga iba’t ibang bahagi ng komunidad at mga lider ng County ay nagsagawa ng press conference noong Biyernes, Nob. 8, pauna sa bagong administrasyong pederal, upang maglabas ng isang pahayag na pinamagatang “We Stand United”, para diinan ang sama-samang matinding pangako sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng residente, kabilang ang mga dati ng tina-target na grupo.

PAHAYAG SA ENGLISH, SPANISH, VIETNAMESE, CHINESE AT TAGALOG

Rapid Response Network

Ang Rapid Response Network (RRN) sa County ng Santa Clara ay isang proyektong pinangungunahan ng komunidad na binuo para ipaalam sa mga residente ang kanilang mga karapatan sa paghaharap nila sa ICE at magbigay ng kasamang suporta habang at pagkatapos ng pagkahuli o pagkakulong ng isang miyembro ng komunidad.

Sinuman sa ating county ay maaaring tumawag sa 24/7 HOTLINE (408) 290-1144 at makakatanggap ng tulong agad-agad.

Huwag magkalat ng pangamba o hindi tamang impormasyon: Gamitin ang Rapid Response Network para magbahagi at tumanggap ng tamang impormasyon.

BISITAHIN ANG WEBSITE NG RRN
red box with white Tagalog text

Alamin ang Iyong mga Karapatan

Ang pagbibigay-alam sa komunidad ng kanilang mga karapatan ay mahalaga sa ating sama-samang pagsisikap na suportahan ang mga mahihinang komunidad na target ng administrasyong pederal. Mayroong iba’t ibang materyales na maaaring tumulong na magbigay ng kaalaman sa komunidad at ihanda ang mga indibidwal sa posibleng pakikiharap sa mga awtoridad ng imigrasyon.

MATUTO NANG HIGIT PA

Mga pagsisikap para suportahan ang komunidad

MANGYARING TANDAAN: Ang webpage na ito ay hindi nilalayon na magbigay at hindi nagbibigay ng payong legal. Kung kailangan mo ng payong legal, mangyaring kumonsulta sa isang abogado. Hindi responsable ang County ng Santa Clara sa anumang nilalaman mula sa ibang tao na maaaring maabot o makuha sa pamamagitan ng site na ito.