ENGLISH Español 中文 Tiếng Việt TAGALOG
Ang batas ng estado ay nagtatakda na panatilihin ng County ang isang balanseng budget, ibig sabihin ay “sa inirekomenda, pinagtibay, at pinal na mga budget ang mga mapagkukunan na pagpopondo ay dapat katumbas sa mga paggamit sa pagpopondo.” Ang County ay magpapatibay ng budget para sa bawat taon ng pananalapi. Ang taon ng pananalapi ng County ay nag-uumpisa mula Hulyo 1 hanggang Hunyo 30.
Maaaring aprubahan ng Board of Supervisors ang mga pagbabago sa budget sa buong taon bilang tugon sa mga pagbabago ng mga sitwasyon o pangangailangan, ngunit sa lahat ng pagkakataon ang mga mapagkukunan na pagpopondo ay dapat katumbas sa mga paggamit sa pagpopondo.
Bawat taon, ang County Executive ay magmumungkahi ng Inirekomendang Budget batay sa mga inaasahang gastusin at kita, at binabalangkas ang mga rekomendasyon ng County Executive para sa mga antas ng pagpopondo para sa bawat departamento. Ang Inirekomendang Budget sa susunod ng taon ng pananalapi ay ilalabas sa Mayo 1.
Ang Board of Supervisors, sa pamamagitan ng kanilang Board Policy Committees, Budget Session Workshop, at ang mga Budget Hearing session, ay susuriin ang Inirekomendang Budget ng County Executive. Sa pagtatapos ng pampublikong pandinig sa Hunyo, pagbobotohan ng Board ang budget na magtatalaga ng mga antas ng pagpopondo para sa mga departamento ng County sa susunod na taon ng pananalapi. Itong inaprubahan na mga halaga ng budget ay ilalathala sa isang hiwalay na dokumento, ang Pinagtibay na Budget.
Tulad ng ibinahagi ni County Executive James R. Williams sa pagpupulong ng Board noong Pebrero 25, 2025, ang Inirekomendang Budget sa Taon ng Pananalapi 2025-2026 ay binubuo na nakatuon sa mga sumusunod na paraan:
(1) sagad na pagdadagdag ng mga oportunidad sa kita kung saan maaari;
(2) pagsunod sa mga kinakailangan sa batas (tulad ng mga kinakailangan sa consent decree para sa pamamalakad ng kustodiya; pagpapatupad ng mga kautusan ng estado);
(3) pagtukoy sa mga kahusayan ng pagpapatakbo at organisasyon; at
(4) pagbibigay ng priyoridad sa mga serbisyong pang-safety net
Ang Inirekomendang Budget ay kabilang rin ang mga grant na oportunidad (tulad ng mga kasalukuyang nangyayari sa Valley Health Foundation) at mga hangarin ng mga departamento na maaaring pakinabangan ang mga grant, oportunidad para sa mga pakikipagsosyo na pilantropiko at mga oportunidad para sa mga kita na hindi pa nagalaw, at karagdagang impormasyon kung paano ang County ay muling mag-oorganisa para maging mas mahusay.
Mangyaring makipag-ugnayan sa Office of Communications and Public Affairs sa (408) 299-5119 sa anumang mga tanong.
Nasa ibaba ang isang link para mas higit pang matuto tungkol sa Timeline ng Proseso ng Budget ng County, kabilang ang isang kalendaryo ng mga petsa ng budget ng County na nauukol sa proseso ng budget:
Maaari mong i-download at tingnan ang Inirekomenda at Pinal na mga Budget para sa kasalukuyang taon ng pananalapi sa ibaba: